isa ka ba sa mga nainvite na sumali sa isang negosyo na kikita ka daw ng malaki sa loob lamang ng ilang buwan o araw?
hindi na bago sa akin ang ganitong post na nakikita ko sa FB. Sa totoo lang, medyo umay na ko sa mga modus nila.
may nakikita ka ba na mga posts na mga tao na may hawak ng maraming pera, o nakasakay sa kotse, o may hawak na cheke?
nakaka-enganyo di ba? pero teka lang, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.
hindi nyo ba alam karamihan sa mga nakikita nyo ay hindi totoo.. oo hindi totoo.
Eto ay simpleng modus ng mga CEO ng mga hinayupak na mga networking company na to. Eto ay kadalasan na nangyayari sa mga unang members ng business, o sila yung mga pioneering sa company.
inuutusan sila ng CEO na sabihin sa publiko na kumikita sila ng malaki kahit hindi naman pala. Ang kapalit nun ay pera syempre.
May ipapahawak sayo na cheke na kunwari totoo at ikakalat mo na kumita ka ng malaki dahil sa negosyo na networking.
Oo.. peke.. peke ang mga nakikita niyo. Ginagawa nila yan para mas maraming sumali s networking business nila.
Syempre may pinipirmahan silang agreement na hindi dapat sabihin sa iba anv panloloko na ginagawa nila.
Kaya hindi mo ba napapansin lalo na mga soft launch na networking, may kumikita na agad ng malaki?
Imposible.
Ganyan ang panloloko ng mga networking business ngayon. Hindi porket may cheke, kotse o maraming pera ay totoo na. Scripted naman pala ang mga hinayupak.
Kaya never talaga ako sumasali sa mga networking na yan, malayo pa lang, mabaho na. Alam ko na style at modus nila.
May mga ibang nag nenetworking na ginagamit ang bata para lang may sumali sa kanila. Bata? Nag nenetworking? San kukuha ng kapital yan syempre ginagamit ng magulang ang bata para magkaroon sila ng downline.
Eto pa malupet, ginagamit din nila yung mga matatanda na may sakit. Ipapahawak ang miracle juice kuno nila at sasabihin na gumaling sila dahil sa produkto na to.
Ganyan kadesperado ang mga nagnenetworking ngayon. Lahat gagawin nila kahit nanloloko na sila, magkadown line lang.
Kaya ikaw, kung nagdadalawang isip ka na sumali sa mga hinayupak na networking na yan. Wag ka na sumali. Magsasayang ka lang ng pera, mas invest mo na lang yan sa ibang bagay o ipunin mo yan.
Wag kayo masyado magpapasilaw sa mga matatamis na salita nila. Wag kayo magpapaloko. Sa bandang huli ikaw din ang talo, at sila ang naka ngiti dahil nagoyo ka nila.
2018 na maging matalino sa pag iinvest.
No comments:
Post a Comment